Author: Daniela Malinao, Rowena Camus, Rosemarie Manozo, and Cecile Tejada I Nobyembre 2, 2023
Photo Courtesy: Daniela Malinao
Sa pangunguna ni Rev. Fr. Eric, ginanap ang misa saTugatog Cemetery, Huwebes, November 2. Ito ay para gunitain ang All Souls’ Day na naglalayong alalahanin ang mga kaluluwa ng ating mga yumao.
Dinaluhan ito ng limampung katao na sabay-sabay na inalayan ng kandila at dasal ang ating mga mahal sa buhay na nasa kabilang buhay na.
Ayon kay Bishop Ambo (2017), ang pagsisindi ng kandila ay naglalayong masiguro na walang kaluluwa ang mapag-iiwanan o makalilimutan.
“We believe that not all who have died are resting in peace, so we pray for them and light candles on their behalf,” dagdag pa ng obispo.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga dumalo na tumanggap ng ostia, na nagsisimbolo sa mga Kristiyano bilang katawan ni Kristo.
Tumagal lamang ang nasabing misa ng humigit-kumulang isang oras.
Comments