top of page
Search
Writer's pictureTHE PULSE

Misa sa San Bartolome Church, pinuntahan ng mga dumalaw sa sementeryo

Author: Kristine Ladrillo | Nobyembre 2, 2023

Editor: Phamela Gabriel

Photo Courtesy: Nico Fernandez, THE PULSE


Ang ilang pamilya ay piniling makinig muna sa misa bago dumalaw sa kanilang mga yumao sa San Bartolome Church sa San Agustin, Malabon. Alas-dose ng tanghali nagsimula ang misa sa loob ng nasabing simbahan. 


“Huwag kayong matatakot mamatay, dahil lahat ng tao ay dadaan rin dito,” saad ni father sa kanyang homiliya.

Ayon sa panayam na nakuha ng The Pulse, may ibang pamilya ang piniling pumunta at mag-alay ng kanila atensyon para kanilang yumaong namayapa dahil sa dulot ng sama ng panahon at dagsa ng tao noong araw ng Undas.


Nagbigay ng panukala ang San Bartolome Church sa mga inaasahang pupunta pa sa sementeryo na magbaon ng pananggalang sa araw at ulan at panatilihin ang kaayusan upang magbigay respeto sa ating mga yumaong mahal sa buhay.

17 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page