Author: Stephanie Estrella, Ma. Alessandra Rivera, and Aliah lyka Eramis I Nobyembre 3, 2023.
Photo Coutesy: Rosemarie Manozo, THE PULSE
Hindi na maitago ang pag-aalala ng ilang tindero ng itlog at bigas sa palengke ng Hulong Duhat Market, Malabon City, dulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre.
Ang napakalaking alalahanin ng ilang nagtitinda ng itlog ay ang mataas na puhunan ngunit mababang kita na kanilang natatanggap. Kung ihahambing ito sa presyo ng itlog noong nakaraang buwan, umaabot na ito ng sampung piso hanggang kinse pesos ngayon.
Samantala, may bahagyang pagtaas din sa presyo ng bigas, ayon sa mga vendor na nakapanayam ng The Pulse.
Sa kabilang banda, nananatiling mababa ang presyo ng mga karne ng manok at baboy ayon sa mga nagtitinda sa Hulong Duhat Market at Concepcion Public Market, na hindi gaanong naapektuhan ang pang araw-araw na kita.
Comments