Author: Dan Gacis and Justine Berganio I Nobyembre 2, 2023
Photo Courtesy: Roland Castillo
Dumadaing ang ilang candle and flower vendors sa Our Lady of Lourdes Eternal Park sa Tonsuya, Malabon, dahil ito sa hindi nila inaasahang pagtamlay ng bentahan ng kanilang mga produkto.
Ayon sa pakikipanayam ng The Pulse sa mga tindera, lubos silang apektado nito lalo na ang mahinang benta ng kandila.
“Para sa akin, okay lang; na[-]survive naman namin ang bulaklak, sa kandila wala talaga,” saad ni Nerissa Orbiso, kabilang sa mga apektadong tindera sa labas ng nasabing sementeryo.
Dahil dito, napipilitan silang ibaba na lamang ang presyo ng kanilang mga paninda. Mula sampung piso hanggang dalawampung piso ang kanilang binabawas upang kahit puhunan nila ay bumalik man lang sa kanila.
Dagdag pa ni Nerissa, “May tindahan naman kami, p[u]wede naman yon. Kung hindi naman mabenta, p[u]wede next year. Ok[ay] lang kung ang matitira ang kandila wala naman problema pero kailangan itong bulaklak palus[u]tin talaga namin.”
Bagamat malaki ang benta sa araw ng Undas, labis na inaalala ni Nerissa kung paano nila mauubos ang tindang kandila, gayong huling araw na ng kanilang permit sa labas ng sementeryo.
Comments