top of page
Search
Writer's pictureTHE PULSE

Mataas na presyo ng kandila at bulaklak, ikinababahala nang mga tindera

Updated: Nov 2, 2023

Author: Phamela Gabriela Manuel I Oktubre 29, 2023


Photo Courtesy: Chelsey Rainne Abella, THE PULSE


Labis na iniinda ng mga tindera sa mga pamilihan ang taas presyo sa kandila at bulaklak ngayong papalapit na ang araw ng undas. Hiling ngayon ng ilang apektadong tindera ay pang-unawa mula sa mga mamimili.


Kabilang sa mga apektado ay sina Cynthia Clemente, tindera ng kandila sa harap ng San Bartolome Church, at si Aling Tes, nagtitinda ng bulaklak sa Center Market, Malabon.

Saad nila, piso hanggang dalawang piso ang karaniwang patong nila sa bawat kandila at bulaklak na kanilang naibebenta.



Samantala, Isa sa problema nila ngayon ay ang pagtaas ng presyo ng ilang karaniwang ginagamit sa undas tulad ng kandila at bulaklak. Ang isang halimbawa nito ay ang Liwanag Esperma e#19, mula sa dati nitong presyo na 51 pesos, ay mabibili na ito ngayon sa halagang 60 pesos.


“Kase akala nila hindi tumataas, eh habang nalalapit ‘yan [araw ng undas] pataas nang pataas”, pahayag ni Cynthia.


Pumapalo naman sa 300 pesos hanggang 1,500 pesos ang presyo ng Malaysian flowers habang nasa 30 pesos hanggang 50 pesos naman ang mga orchids na karaniwang binibili ng mga mamimiling saktuhan lamang ang budget.


Bagamat ramdam na ang pagtaas ng presyo, patuloy pa rin ang dagsa ng mga mamimili na nais alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

52 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page