Author: Ma. Alessandra Rivera I Oktubre 30, 2023
Photo Courtesy: James Karl Cacnio, THE PULSE
Mula umaga hanggang matapos ang eleksyon ay nag tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga botante ng Brgy. Bayan-Bayanan at Brgy. Flores sa Malabon Elementary School (MES).
Inihayag ni Principal Rosela Q. Abude ng MES, ang kanilang naging puspusang paghahanda para sa eleksyon.
"Prepared naman ang school pagdating sa mga facilities, yung kanilang orientation, yung mga teacher ay ready ahead of time.”
Hindi naman itinanggi ng principal ang mga pangkaraniwang problema na nangyari sa botohan.
“Dahil sa dami ng tao, may mga problema talagang lalabas katulad ng mga nawawalang pangalan sa kanilang book of voter,” dagdag niya.
Ayon naman sa mga senior citizen at PWDs na botanteng nakapanayam ng The Pulse ay naging maayos at mabilis naman ang proseso ng kanilang pagboto sa nabanggit na eskwelahan. Bukod pa rito ay natanggap nila ang assistance na kanilang kinakailangan sa mga guro, mga watchers, at sa mga kinauukulan sa kanilang pagboto sa MES.
Kasama ng mga guro, MES faculty, at volunteer watchers ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa naganap na BSK election para gumabay sa mga botante at masiguro ang organisado na botohan sa paaralan. Mayroon ding naka-standby na Medic Station sa labas ng eskwelahan kung sakali mang magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.
Bago matapos ang oras ng eleksyon ay nagpatunog naman ng school bell ang eskwalahan - pahiwatig na mayroon na lamang sampung minuto ang natitira para hingkayatin na bumoto ang mga naghihintay sa loob ng paaralan.
Comments