top of page
Search
Writer's pictureTHE PULSE

Philippine Guardian Brothers Inc., tuloy ang paglilingkod sa San Bartolome Cemetery ngayong Undas

Authors: Justine Berganio, Angellyca Malanao, Pauline Eimerie Zara | Nobyembre 1, 2023



Photo Courtesy: Chelsey Abella, THE PULSE


Patuloy sa kanilang serbisyo sa San Bartolome Cemetery ang Philippine Guardian Brothers Inc., matapos nitong tumulong ulit nang boluntaryo sa ika-10 sunod na taon.


Nakabase sila sa nasabing sementeryo at sila ay mga katulong ng mga awtoridad sa pagtutok sa seguridad at kaligtasan ng mga dadagsa. Sa lahat ng oras, nakahanda ang kanilang stasyon para sa paunang lunas kung sakaling ito'y kakailanganin ninuman.


Sa paglipas ng panahon, patuloy na dadami ang mga taong magpupunta sa San Bartolome Cemetery upang dalawin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, at inaasahang magiging katuwang pa ng sementeryo ang nasabing mga boluntaryo sa mga susunod pang taon.


44 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page